Skip Navigation
The Endowment for Human Development
The Endowment for Human Development
Improving lifelong health one pregnancy at a time.
Donate Now Get Free Videos

Multilingual Illustrated DVD [Tutorial]

The Biology of Prenatal Development




ANG BIYOLOHIYA NG PAGBUO BAGO ANG PANGANGANAK

.Tagalog


National Geographic Society This program is distributed in the U.S. and Canada by National Geographic and EHD. [learn more]

Choose Language:
Download English PDF  Download Spanish PDF  Download French PDF  What is PDF?
 

The Fetal Period (8 Weeks through Birth)

Chapter 37   9 Weeks: Swallows, Sighs, and Stretches

Ang fetal period ay nagpapatuloy hanggang kapanganakan.

Sa 9 na linggo, nagsisimula ang pagsipsip sa hinlalaki at ang fetus ay kayang lumunok ng amniotic fluid.

Ang fetus ay kaya na ring sumunggab ng bagay, igalaw ang ulo pasulong at pabalik, ibuka at isara ang panga, igalaw ang dila, bumuntunghininga, at mag-inat.

Ang nerve receptors sa mukha, palad ng mga kamay, at talampakan ay makakaramdam ng magaan na hipo.

"Bilang tugon sa magaan na hipo sa talampkan," ililiko ng fetus ang balakang at tuhod at maibabaluktot ang daliri ng paa.

Ang mga talukap ngayon ay ganap nang sarado.

Sa larynx, ang paglitaw ng vocal ligaments ay hudyat ng pagsisimula ng pagbuo ng vocal cord.

Sa mga babaeng fetus, ang matris ay makikilala at ang mga di-hinog na selulang panlikha, na tinatawag na oogonia, ay dumadami sa loob ng obaryo.

Ang panlabas na genitalia ay nagsisimulang makilala kung lalaki o babae.

Chapter 38   10 Weeks: Rolls Eyes and Yawns, Fingernails & Fingerprints

Ang biglang paglaki sa pagitan ng 9 at 10 linggo ay nagpapataas sa timbang ng katawan sa mahigit na 75%.

Sa 10 linggo, ang pagpukaw sa itaas na talukap ng mata ay nagiging sanhi ng pag-ikot ng mata.

Ang fetus at humihikab at madalas buksan at isara ang bibig.

Karamihan ng mga fetus ay sinisipsip ang kanang hinlalaki.

Ang mga seksyon ng bituka sa loob ng pusod ay bumabalik sa butas ng tiyan.

Ang ossification ay nagaganap sa karamihan ng mga buto.

Ang mga kuko sa kamay at kuko sa paa ay nagsisimulang mabuo.

Lilitaw ang tatak ng daliri 10 linggo pagkaraan ng fertilization. Ang mga disenyong ito ay magagamit sa pagkilala sa buong buhay.

Chapter 39   11 Weeks: Absorbs Glucose and Water

Sa 11 linggo ang ilong at mga labi ay buo na. Tulad ng ibang mga bahagi ng katawan, ang kanilang anyo ay magbabago sa bawat yugto ng inog ng buhay ng tao.

Ang bituka ay nagsisimulang sumipsip ng glucose at tubig na nilunok ng fetus.

Kahit na ang kasarian ay ipinapasiya sa fertilization, ang panlabas na genitalia ay maaari nang makilala kung lalaki o babae.