Skip Navigation
The Endowment for Human Development
The Endowment for Human Development
Improving lifelong health one pregnancy at a time.
Donate Now Get Free Videos

Multilingual Illustrated DVD [Tutorial]

The Biology of Prenatal Development




ANG BIYOLOHIYA NG PAGBUO BAGO ANG PANGANGANAK

.Tagalog


National Geographic Society This program is distributed in the U.S. and Canada by National Geographic and EHD. [learn more]

Choose Language:
Download English PDF  Download Spanish PDF  Download French PDF  What is PDF?
 

Chapter 41   4 to 5 Months (16 to 20 Weeks): Stress Response, Vernix Caseosa, Circadian Rhythms

Sa 16 na linggo, ang pamamaraan na may pagpapasok ng karayom sa tiyan ng fetus na nagtutulak sa hormonal stress response na naglalabas ng noradrenaline, o norepinephrine, sa daanan ng dugo.

Sa sistema ng paghinga, ang bronchial tree ay malapit nang mabuo.

Ang pananggalang na puting sangkap, na tinatawag na vernix caseosa, ay bumabalot ngayon sa fetus. Ang vernix ay nagpoprotekta sa balat laban sa nakakainis na epekto ng amniotic fluid.

Mula 19 na linggong paggalaw ng fetus, paghinga, at ang tibok ng puso ay nagsisimulang sumunod sa araw-araw na pag-inog na tinatawag na circadian rhythms.

Chapter 42   5 to 6 Months (20 to 24 Weeks): Responds to Sound; Hair and Skin; Age of Viability

Sa 20 linggo ang cochlea, na bahagi ng pandinig, ay umabot na sa laki ng matanda sa isang ganap na nabuong panloob na tainga. Mula ngayon, ang fetus ay tutugon sa lumalaking abot ng mga tunog.

Ang buhok ay magsisimulang tumubo sa anit.

Ang lahat ng patong ng balat at mga istraktura ay naroon, kabilang ang hair follicles at glands.

Sa 21 hanggang 22 linggo pagkaraan ng fertilization, ang baga ay magkakaroon ng ilang kakayahang lumanghap ng hangin. Ito ay itinuturing na edad na may kakayahang mabuhay dahil ang pananatiling buhay sa labas ng sinapupunan ay nagiging posible para sa ibang mga fetus.