Skip Navigation
The Endowment for Human Development
The Endowment for Human Development
Improving lifelong health one pregnancy at a time.
Donate Now Get Free Videos

Multilingual Illustrated DVD [Tutorial]

The Biology of Prenatal Development




ANG BIYOLOHIYA NG PAGBUO BAGO ANG PANGANGANAK

.Tagalog


National Geographic Society This program is distributed in the U.S. and Canada by National Geographic and EHD. [learn more]

Choose Language:
Download English PDF  Download Spanish PDF  Download French PDF  What is PDF?
 

Chapter 43   6 to 7 Months (24 to 28 Weeks): Blink-Startle; Pupils Respond to Light; Smell and Taste

Sa 24 na linggo ang mga talukap ng mata ay muling bubukas at ang fetus ay nagpapakita ng pagkurap-pagkagulat na tugon. Ang reaksyong sa bigla, malakas na mga ingay ay karaniwang nabubuo nang mas maaga sa mga babaeng fetus.

Ang iba-ibang mananaliksik ay nag-ulat na ang pagkahantad sa malakas na ingay ay maaaring makaapekto ng masama sa kalusugan ng fetus. Sa mga agad na bunga ay kabilang ang matagal na mas mabilis na tibok ng puso, sobrang paglunok ng fetus, at biglang pagbabago ng asal. Sa posibleng pangmatagalang bunga ay kabilang ang pagkawala ng pandinig.

Ang paghinga ng fetus ay maaaring tumaas sa 44 inhalation-exhalation cycles kada minuto.

Sa ikatlong trimester ng pagbubuntis, ang mabilis na paglaki ng utak ay kumukunsumo ng mahigit sa 50% ng lakas na ginagamit ng fetus. Ang timbang ng utak ay tumataas sa pagitan ng 400 at 500%.

Sa 26 na linggo ang mga mata ay lumilikha ng luha.

Ang mga balintataw ay tumutugon sa liwanag 27 na linggo lamang. Ang tugon na ito ay nangangasiwa sa dami ng liwanag na umaabot sa retina sa buong buhay.

Lahat ng sangkap na kinakailangan para sa gumaganap na pang-amoy ay magagamit. Ang mga pag-aaral sa mga sanggol na maagang ipinanganak ay nagpapakita ng kakayahang makaamoy 26 na linggo lamang pagkaraan ng fertilization.

Ang paglalagay ng matamis na bagay sa amniotic fluid ay nagpapataas sa antas ng paglunok ng fetus. Kasalungat nito, ang pagbaba sa antas ng paglunok ng fetus ay sumusunod sa introduksiyon sa maasim na bagay. Ang binagong ekspresyon ng mukha ang madalas na kasunod.

Sa sunod-sunod na tila paghakbang na galaw ng binti hawig ng paglakad, ang fetus ay gumagawa ng mga pagsirko.

Ang fetus ay nakikitang mas hindi kulubot habang ang karagdagang taba ay nabubuo sa ilalim ng balat. Mahalaga ang taba upang mapanatili ang temperatura ng katawan at mag-imbak ng enerhiya pagkapanganak.

Chapter 44   7 to 8 Months (28 to 32 Weeks): Sound Discrimination, Behavioral States

Sa 28 na linggo, ang fetus ay maaaring makaalam ng pagkakaiba ng mataas at mababang tunog.

Sa 30 na linggo, ang mga galaw sa paghinga ay mas karaniwan at nagaganap 30 hanggang 40% na panahon sa pangkaraniwang fetus.

Sa huling 4 na buwan ng pagbubuntis ang fetus ay nagpapakita ng mga panahon ng magkakaugnay na gawain na binibigyang -diin ng mga panahon ng pahinga. Ang mga asal na ito ay nagpapakita ng laging tumataas na pagkasalimuot ng sentral na sistema ng nerbiyos.

Chapter 45   8 to 9 Months (32 to 36 Weeks): Alveoli Formation, Firm Grasp, Taste Preferences

Sa humigit-kumulang na 32 linggo ang true alveoli, o air "pocket" cells, ay magsisimulang mabuo sa mga baga. Ang mga ito ay patuloy na mabubuo hanggang 8 taon pagkapanganak.

Sa 35 linggo, ang fetus ay may mahigpit na paghawak.

Ang pagkahantad ng fetus sa iba-ibang bagay ay anyong nakakaapekto ng panlasa pagkapanganak. Halimbawa, ang mga fetus na ang ina ay gumamit ng anise, ang bagay na magbibigay sa licorice ng lasa nito, ay nagpakita ng pagkagusto sa anise pagkapanganak. Ang mga bagong panganak na hindi nahantad dito ay ayaw ng anise.

Chapter 46   9 Months to Birth (36 Weeks through Birth)

Ang fetus ang nagbubunsod ng panganganak sa pamamagitan ng paglalabas ng maraming hormone na tinatawag na estrogen at nagsisimula ang pagbabago mula sa fetus patungo bagong panganak.

Ang simula ng panganganak ay binubuo ng malakas na pagsisikip ng matris, na nagbubunga ng pagsilang ng bata.

Mula fertilization hanggang panganganak at higit pa, ang pagbuo ng tao ay dinamiko, patuloy, at masalimuot. Ang mga bagong kaalaman tungkol sa kahanga-hangang prosesong ito ay lalong nagpapakita ng mahalagang epekto ng pagbuo ng fetus sa kalusugan sa habang buhay.

Habang sumusulong ang ating pagkaunawa sa pagbuo ng tao, sumusulong din ang ating kakayahan na pahusayin ang kalusugan - bago ang pagsilang at pagkaraan.