Skip Navigation
The Endowment for Human Development
The Endowment for Human Development
Improving lifelong health one pregnancy at a time.
Donate Now Get Free Videos

Multilingual Illustrated DVD [Tutorial]

The Biology of Prenatal Development




ANG BIYOLOHIYA NG PAGBUO BAGO ANG PANGANGANAK

.Tagalog


National Geographic Society This program is distributed in the U.S. and Canada by National Geographic and EHD. [learn more]

Choose Language:
Download English PDF  Download Spanish PDF  Download French PDF  What is PDF?
 

The Embryonic Period (The First 8 Weeks)

Embryonic Development: The First 4 Weeks

Chapter 3   Fertilization

Sa pananalitang biyolohikal, "ang paglaki ng tao ay nag-uumpisa sa fertilization," kapag ang isang babae at lalaki ay nagsama ng 23 ng kanilang sariling chromosomes sa pamamagitan ng pagsanib ng kanilang selulang paglikha.

Ang selulang paglikha ng isang babae ay karaniwang tinatawag na "itlog" pero ang tamang termino ay oocyte.

Gayon din, ang selulang paglikha ng isang lalaki ay karaniwang tinatawag na "sperm" ngunit ang mas pinipiling tawag ay spermatozoon.

Kasunod ng paglaya ng oocyte mula sa obaryo ng babae sa prosesong tinanatawag na ovulation, ang oocyte at spermatozoon ay nagsasama sa loob ng isa sa mga uterine tube, na karaniwang tinatawag na mga Fallopian tube.

Ang mga uterine tube ay nag-uugnay sa mga obaryo ng babae sa kanyang matris o bahay-bata.

Ang resultang isang-selulang embryo na tinatawag na zygote, na nangangahulugang "pinagkabit o pinagsama."

Chapter 4   DNA, Cell Division, and Early Pregnancy Factor (EPF)

Ang 46 na chromosomes ng zygote ay kumakatawan sa walang-katulad na unang edisyon ng isang kumpletong genetic blueprint ng bagong indibidwal. Ang pangkalahatang planong ito ay nasa mahigpit na nakaikid na molecules na tinatawag na DNA. Taglay ng mga ito ang mga tagubilin para sa paglaki ng buong katawan.

Ang mga DNA molecules ay nakakahawig ng paikot na hagdan na kilala bilang double helix. Ang mga baitang ng hagdan ay gawa sa mga pares ng molecules o mga base, na tinatawag na guanine, cytosine, adenine, at thymine.

Ang guanine ay naipapares lamang sa cytosine, at ang adenine sa thymine. Ang bawat selula ng tao ay may humigit-kumulang 3 bilyon ng mga pares ng base na ito.

Ang DNA ng isang selula ay naglalaman ng napakaraming impormasyon na kung ito ay ipapahayag sa nilimbag na mga salita, ang paglista lamang sa unang letra ng bawat base ay mangangailangan ng mahigit 1.5 milyong pahina ng teksto!

Kung ilalatag ng dulo sa dulo, ang DNA sa isang selula ng tao ay may sukat na 3 1/3 talampakan o 1 metro.

Kung maaari nating kalasin lahat ng DNA sa loob ng 100 trilyon selula ng isang matanda, ito ay aabot ng mahigit 63 bilyon milya. Ang distansiyang ito ay umaabot mula sa mundo hanggang sa araw at pabalik ng 340 beses.

Humigit-kumulang sa 24 hanggang 30 oras matapos ang fertilization, ang zygote ay makakakumpleto ng unang paghahati nito ng selula. Sa pamamagitan ng proseso ng mitosis, ang isang selula ay nahahati sa dalawa, dalawa sa apat, at patuloy.

Sa 24 hanggang 48 oras lamang mula sa umpisa ng fertilization, ang pagbubuntis ay makukumpirma sa pagtuklas sa isang hormone na "early pregnancy factor" sa dugo ng ina.

Chapter 5   Early Stages (Morula and Blastocyst) and Stem Cells

Sa 3 o na 4 araw matapos ang fertilization, ang nahahating selula ng embryo ay nagkakaroon ng hubog na globo at ang embryo ay tinatawag na morula.

Sa 4 o 5 araw, ang butas ay nabubuo sa bolang ito ng mga seula at ang embryo ay tinatawag na ngayong blastocyst.

Ang mga selula sa loob ng blastocyst ay tinatawag na inner cell mass at nagpapalitaw sa ulo, katawan at ibang mga istraktura na mahalaga sa nabubuong tao.

Ang mga selula sa loob ng inner cell mass ay tinatawag na embryonic stem cells dahil ang mga ito ay may kakayahan na bumuo ng bawat isa sa mahigit sa 200 uri ng selula na nasa katawan ng tao.

Chapter 6   1 to 1½ Weeks: Implantation and Human Chorionic Gonadotropin (hCG)

Matapos ang paglalakbay pababa sa uterine tube, ang batang embryo ay ibinabaon ang sarili sa panloob na dingding sa matris ng ina. Ang prosesong ito, tinatawag na implantation, ay naguumpisa 6 na araw at nagtatapos 10 hanggang 12 araw pagkaraan ng fertilization.

An mga selula mula sa lumalaking embryo ay nagsisimulang lumikha ng hormone na tinatawag na human chorionic gonadotropin, o hCG, ang sangkap na natutuklasan ng karamihan sa mga pagsusuri sa pagbubuntis.

Ang hCG ang nag-uutos sa maternal hormones na patigilin ang normal na pag-inog ng regla, na nagbibigay-daan sa pagpapatuloy ng pagbubuntis.

Chapter 7   The Placenta and Umbilical Cord

Kasunod ng implantation, ang mga selula sa panlabas na bahagi ng blastocyst ay nagiging sanhi ng bahagi ng isang istraktura na tinatawag na placenta, na nagsisilbing interface sa pagitan ng maternal at embryonic na mga sistema ng pagdaloy ng dugo.

Ang placenta ay naghahatid ng maternal na oxygen, mga sustansiya, hormone, at mga gamot sa nabubuong tao; nagtatanggal ng mga dumi; at pumipigil sa maternal na dugo na humalo sa dugo ng embryo at fetus.

Ang placenta din ay lumulikha ng mga hormone at nagpapanatili ng embryonic at fetal body temperature nang bahagyang mas mataas sa ina.

Ang placenta ay nakikipag-ugnayan sa nabubuong tao sa pamamagitan ng mga vessel ng pusod.

Ang kakayahang sumuporta ng buhay ng plasenta ay maihahambing sa sa intensive care units sa mga modernong ospital.

Chapter 8   Nutrition and Protection

Sa 1 lingo, ang mga selula ng inner cell mass ay bumubuo ng dalawang patong na tinatawag na hypoblast at epiblast.

Ang hypoblast ay nagbubunga ng ng yolk sac, na isa sa mga istraktura kung saan ang ina ay nagbibigay ng mga sustansiya sa batang embryo.

Ang mga selula mula sa epiblast ay bumubuo ng membrane na tinatawag na amnion, kung saan ang embryo at sa huli ang fetus ay nabubuo hanggang ipanganak.

Chapter 9   2 to 4 Weeks: Germ Layers and Organ Formation

Sa humigit-kumulang 2 1/2 linggo, ang epiblast ay nakakabuo ng 3 natatanging tisyu, o mga suson ng mikrobyo, na tinatawag na ectoderm, endoderm, at mesoderm.

Ang ectoderm ay nagbubunga sa maraming istraktura kabilang ang utak, gulugod, nerbiyos, balat, kuko, at buhok.

Ang endoderm ay lumilikha ng aporo ng sistema ng paghinga at daanang panunaw ng pagkain, at lumilikha ng mga bahagi ng mga pangunahing sangkap tulad ng atay at lapay.

Ang mesoderm ang bumubuo sa puso, mga bato, mga buto, butong mura, kalamnan, mga selula ng dugo, at ibang mga istraktura.

Sa 3 linggo ang utak ay nahahati sa 3 pangunahing seksyon na tinatawag na forebrain, midbrain, at hindbrain.

Ang pagbuo ng mga sistema ng paghinga at pantunaw ng pagkain ay nagaganap na rin.

Habang ang unang mga selula ng dugo ay lumilitaw sa yolk sac, ang mga daluyan ng dugo ay nabubuo sa kabuuan ng embryo, at ang tubular heart ay lumilitaw.

Halos agad, ang mabilis na lumalaking puso ay tumutupi sa sarili habang ang mga hiwalay na sisidlan na nagsisimulang mabuo.

Ang puso ay nagsisimulang tumibok 3 linggo at 1 araw pagkaraan ng fertilization.

Ang sistema ng pagdaloy ng dugo ay ang unang sistema ng katawan, o grupo ng magkakaugnay na mga bahagi, na unang nakakaganap ng tungkulin.

Chapter 10   3 to 4 Weeks: The Folding of the Embryo

Sa pagitan ng 3 at 4 na linggo, ang plano ng katawan ay lumilitaw habang ang utak, gulugod, at puso ng embryo ay madaling nakikilala katabi ng yolk sac.

Ang mabilis na paglaki ay nagiging sanhi ng pagtupi ng lapad na embryo. Ang prosesong ito ay nagsasama ng bahagi ng yolk sac sa aporo ng sistemang pantunaw at bumubuo ng dibdib at mga butas sa tiyan ng nabubuong tao.