Skip Navigation
The Endowment for Human Development
The Endowment for Human Development
Improving lifelong health one pregnancy at a time.
Donate Now Get Free Videos

Multilingual Illustrated DVD [Tutorial]

The Biology of Prenatal Development




ANG BIYOLOHIYA NG PAGBUO BAGO ANG PANGANGANAK

.Tagalog


National Geographic Society This program is distributed in the U.S. and Canada by National Geographic and EHD. [learn more]

Choose Language:
Download English PDF  Download Spanish PDF  Download French PDF  What is PDF?
 

Chapter 15   5 Weeks: Cerebral Hemispheres

Sa pagitan ng 4 at 5 na linggo, ang utak ay magpapatuloy sa mabilis nitong paglaki at mahahati sa 5 natatanging seksyon.

Ang ulo ay binubuo ng halos 1/3 ng kabuuang laki ng embryo.

Ang cerebral hemispheres ay lilitaw, unti-unting nagiging pinakamalaking bahagi ng utak.

Sa mga tungkuling kokontrolin ng cerebral hemispheres ay kabilang ang mga iniisip, natututunan, memorya, pagsasalita, paningin, pandinig, kusang galaw, at paglutas ng problema.

Chapter 16   Major Airways

Sa sistema ng paghinga, ang kanan at kaliwang main stem bronchi ay naroon at sa huli ay magdudugtong sa lalaugan, o windpipe, sa baga.

Chapter 17   Liver and Kidneys

Tingnan ang malaking atay na pumupuno sa tiyan katabi ng tumitibok na puso.

Ang permanenteng mga bato ay lilitaw pagkaraan ng 5 linggo.

Chapter 18   Yolk Sac and Germ Cells

Ang yolk sac ay nagtataglay ng maagang selulang paglikha na tinatawag na germ cells. Sa 5 linggo ang mga suson ng mikrobyo ay lilipat sa mga sangkap ng paglikha malapit sa mga bato.

Chapter 19   Hand Plates and Cartilage

Sa 5 linggo din, ang embryo ay nakabubuo ng ohas ng kamay, at ang pagbuo ng butong mura ay nagsisimula sa 5 1/2 linggo.

Dito ay makikita natin ang kaliwang ohas ng kamay at pulso sa 5 linggo at 6 na araw.

Embryonic Development: 6 to 8 Weeks

Chapter 20   6 Weeks: Motion and Sensation

Sa 6 na linggo ang cerebral hemispheres ay lumalaki nang mas mabilis sa ibang mga seksyon ng utak.

Ang embryo ay nagsisimulang gumawa ng bukal at repleksibong mga galaw. Ang mga galaw na ito ay mahalaga upang magtaguyod ng normal na paglaking neuromuscular.

Ang paghipo sa bibig ay nagiging sanhi para ang embryo ay repleksibong iurong ang ulo nito.

Chapter 21   The External Ear and Blood Cell Formation

Ang panlabas na tainga ay nagsisimulang magkahugis.

Sa 6 na linggo, ang pagbuo ng selula ng dugo ay magaganap sa atay kung saan ang lymphocytes ay matatagpuan ngayon. Ang uring ito ng puting selula ng dugo ay mahalagang bahagi ng nabubuong sistemang panlaban.

Chapter 22   The Diaphragm and Intestines

Ang diaphragm, ang pangunahing kalamnan na ginagamit sa paghinga, ay nabubuo sa 6 na linggo.

Ang bahagi ng bituka ngayon ay pansamantalang umuusli sa pusod. Itong normal na proseso, na tinatawag na physiologic herniation, ay nagbibigay-daan sa ibang nabubuong bahagi sa tiyan.

Chapter 23   Hand Plates and Brainwaves

Sa 6 na linggo ang mga ohas ng kamay ay nagkakaoon ng pinong pag-unat.

Primitive brainwaves ay naitala sa 6 linggo at 2 araw-araw.

Chapter 24   Nipple Formation

Ang mga utong ay makikita sa mga tagiliran ng trunk ilang sandali bago marating ang kanilang huling kalalagyan sa harap ng dibdib.

Chapter 25   Limb Development

Sa 6 1/2 linggo, ang mga siko ay makikita, ang mga daliri ay nagsisimulang maghiwalay, at ang mga galaw ng kamay ay maaaring makita.

Ang pagbuo ng buto, aa tinatawag na ossification, ay nagsisimula sa clavicle, o collar bone, at sa mga buto ng itaas at ibabang panga.

Chapter 26   7 Weeks: Hiccups and Startle Response

Ang mga sinok ay naobserbahan sa 7 linggo.

Ang mga galaw ng mga binti ay makikita na, kasama ng mga pagkagulat na tugon.

Chapter 27   The Maturing Heart

Ang pusong may 4 na chamber ay halos kumpleto na. Karaniwan, ang puso ay tumitibok ngayon ng 167 beses kada minuto.

Ang elektrikal na aktibidad ng puso ay naitatala sa 7 1/2 na linggo nagpapakita ng along disenyo na katulad sa matanda.

Chapter 28   Ovaries and Eyes

Sa mga babae, ang mga obaryo, ay makikilala sa 7 linggo.

Sa 7 1/2 linggo ang pigmented retina ng mata ay madaling makikita at ang talukap ay nagsisimula ng panahon ng mabilis na paglaki.

Chapter 29   Fingers and Toes

Ang mga daliri ay hiwalay at ang mga daliri ng paa ay magkadugtong lamang sa mga puno.

Ang mga kamay ay maaari nang magsama, tulad ng mga paa.

Ang mga kasukasuan ng tuhod ay naroon na.

The 8-Week Embryo

Chapter 30   8 Weeks: Brain Development

Sa 8 linggo ang utak ay mataas na ang magusot at bumubuo ng halos kalahati ng kabuuang timbang ng embryo.

Ang paglaki ay nagpapatuloy sa hindi pangkaraniwang bilis.

Chapter 31   Right- and Left-Handedness

Sa 8 linggo, 75% ipapakita ng embryo ang pagdomina ng kanang kamay. Ang natitira ay pantay na nahahati sa pagdomina ng kaliwang kamay at walang mas gusto. Ito ang pinakamaagang patunay ng kanan o kaliwang gawi.

Chapter 32   Rolling Over

Naglalarawan ang mga aklat-aralin sa bata ng kakayahang "gumulong" na nakikita 10 hanggang 20 linggo pagkaraang ipanganak. Gayuman, ang impresibong koordinasyong ito ay ipinakikita nang mas maaaga sa mababang-grabidad na kapaligiran ng puno ng likidong amniotic sac. Tanging ang kawalan ng lakas ang kinakailangan upang malampasan ang mas mataas na puwersa ng grabitasyon sa labas ng matris ang pumipigil sa mga bagong panganak na gumulong.

Ang embryo ay nagiging pisikal na mas aktibo sa panahong ito.

Ang mga galaw ay maaaring mabagal o mabilis, isang beses o paulit-ulit, tuloy-tuloy o repleksibo.

Ang pagikot ng ulo, paghaba ng leeg at kamay-sa-mukhang paghipo ay mas madalas na nangyayari.

Ang paghipo sa embryo ay tinutugunan ng paglihis, paggalaw ng panga, paghawak at pagturo ng daliri ng paa.

Chapter 33   Eyelid Fusion

Sa pagitan ng 7 at 8 na linggo, ang itaas at ibabang talukap ng mata ay mabilis na lumalaki sa ibabaw ng mga mata at unti-unting nagdudugtong.

Chapter 34   "Breathing" Motion and Urination

Kahit na walang hangin sa matris ang embryo ay nagpapakita ng paghingang patigil-tigil sa 8 linggo.

Sa panahong ito, ang mga bato ay lumilikha ng ihi na inilalabas sa amniotic fluid.

Sa mga lalaking embryo, ang nabubuong testes ay nagsisimulang lumikha at maglabas ng testosterone.

Chapter 35   The Limbs and Skin

Ang mga buto, kasukasuan, kalamnan, nerbiyos, at mga daluyan ng dugo ng mga paa o kamay ay malapit na nakakahawig ng sa mga matatanda.

Sa 8 na linggo, ang epidermis, o ang pangibabaw na balat ay nagiging isang maraming-susong lamad, nawawala ang marami sa katangian nito para maaninag.

Humahaba ang kilay habang tumutubo ang mga balahibo sa palibot ng bibig.

Chapter 36   Summary of the First 8 Weeks

Ang walong linggo ay nagiging tanda ng katapusan ng embryonic period.

Sa panahong ito, ang taong embryo ay lumaki mula sa isang selula patungo sa halos 1 bilyon selula na bumubuo ng mahigit 4,000 natatanging anatomikong istraktura.

Ang embryo ngayon ay may mahigit sa 90% ng mga istraktura na makikita sa mga matatanda.