Sa pagitan ng 4 at 5 na linggo,
ang utak ay magpapatuloy
sa mabilis nitong paglaki
at mahahati sa 5 natatanging seksyon.
Ang ulo ay binubuo ng halos
1/3 ng kabuuang laki ng embryo.
Ang cerebral hemispheres ay lilitaw,
unti-unting nagiging
pinakamalaking bahagi ng utak.
Sa mga tungkuling kokontrolin
ng cerebral hemispheres
ay kabilang ang mga iniisip, natututunan,
memorya, pagsasalita, paningin,
pandinig, kusang galaw,
at paglutas ng problema.