Sa 6 na linggo ang cerebral
hemispheres ay lumalaki
nang mas mabilis
sa ibang mga seksyon ng utak.
Ang embryo ay nagsisimulang
gumawa ng bukal
at repleksibong mga galaw.
Ang mga galaw na ito ay mahalaga
upang magtaguyod ng normal
na paglaking neuromuscular.
Sa 6 na linggo,
ang pagbuo ng selula ng dugo
ay magaganap sa atay
kung saan ang lymphocytes
ay matatagpuan ngayon.
Ang uring ito ng puting selula ng dugo
ay mahalagang bahagi
ng nabubuong sistemang panlaban.
Chapter 22 The Diaphragm and Intestines
Ang diaphragm,
ang pangunahing kalamnan
na ginagamit sa paghinga,
ay nabubuo sa 6 na linggo.
Ang bahagi ng bituka ngayon
ay pansamantalang umuusli
sa pusod.
Itong normal na proseso,
na tinatawag na physiologic herniation,
ay nagbibigay-daan sa ibang
nabubuong bahagi sa tiyan.